Parang kinakarma kami ng mga roommates ko!
Ay oo nga pala may bago kaming roommate yung classmate din namin! So bale, ako, yung pinsan ko, at si Ynah, magkakaklase na nasa iisang room at dorm na! It’s super fun. Kasi alam mo na,two heads are better than one but if you add another one it’s more fun! Tatlo na kaming magkokopyahan sa mga assignments.
So ito na ang kwento. KARMA. KARMA’s a bitch.bwisit.
Kahapon, first day June 13, 2013
Wee. Escolarian and dentista here. Maaga kami gumisng at pumasok, excited eh. Pumi-freshman lang ang peg. Habang naglalakiad kami papuntang school since walking distance lang naman ang dorm from school eh, nagtatawanan kami. May freshmen kasi na naka-heels na mataas. Parang ganito yung itsura:

Tapos nagtatawanan kami, kasi freshman palang gumaganyan na tsaka kasi halos lahat ng classrooms nasa 2nd,3rd, 4th, & 5th floor. Eh wala namang escalator or elevator sa school. So parang pasan niya ang daigdig pagkatapos ng first day dahil nakakapagod umakya’t baba ng buildings ng ganun kataas ang sapatos. Sabi ko pa nga, baka takot mabasa ang paa kapag umulan tapos nagtawanan na kaming tatlo.
Last subject an namin at nasa dent. sci kami, kasi building namin yun at nandun din ang gym. Galing kami sa pool kakatapos lang ng PE, at sa kamalas-malasan inabutan kami ng malakas na ulan. Tapos yung tubig hanggang sa sakong at dun pumasok ang thought na ‘Ito yung karma natin sa pang-aasar dun sa babaeng naka-high heels.’ buti pa siya, ligtas sa baha samantalang ako yung see-through na doll shoes yung gamit ko at wala pa akong payong. Mukha akong basang-sisiw pag-uwi bwisit :(
Sila Ynah at Lianne naman,medyo basa lang yung damit pero basang basa ang mga bagong shoes.; strike 1!
Kanina, June 14, 2013.
Yan tumama na ako sa paglagay ng date.Anak ng tinokwang shark simula kanina sa Bio.Sci hanggang sa Hum12 yung nilalagay ko palang date sa papel ko eh june 13 =______= ngayon ko lang napansin habang tinatype ko ito.
So kanina habang foreign language namin, (inaatay palang namin yung prof)
Kaith: Bee ito na yung tae mo! (fake poop)

Bea: Akin na yang ipot ko!
Nagtawanan kaming tatlo nila Ynah, lianne at ako. At dun nagsimula ang usapang tae.
Lianne: hahaha alam mo yung igit?
Ako: hahahaha shet
Ynah: hahahaha ano yun?
Lianne: Igit, tae, pero maliit lang. hahahahaha
Me: smidgets ba!
Ynah: yuck hahahaha
Me: eh yung tubol?
Lianne: hahahhaha tubol medyo mahirap ilabas yun ah.
Ynah: kadiri.
Lianne & me: ipot, igit, tubol. hahahaha
Ynah: ew hahahahahaha
Lianne: may mga tae pangang basag eh.
Ako: muddy swamp. tapos yung iba naman parang machine gun. *gunsounds yung mabilis* bratatatatatat.
tapos nagtawanan lang kami.
Dumating yung prof namin. at naayos ang aircon ng room. Medyo lumamig na. Yung lumammig dun ako nakaramdam ng tawag ng kalikasan.
Pinagpawisan na ako ng malamig.shet!!Nagpapatawa pa si ma’am. Gusto kong tumawa kaso baka biglang may sumabog. Tear gas na may bala! Wag. Nagdadasal na ako habang nagpupunas ng pawis.
10:35AM, malapit na ang dismissal,konting tiis pa.
Mas lalo akong pinagpawisan. kaya nagpunaspunas ako. Maya-maya kinausap ako ni Sansan yung transferee na galing UST. ang sweet na promise♥
San-san: Uy naiinitan ka parin ba?pawis ka na o.
Me: Oo eh, (pero deep inside, jebs na jebs na ako. butil butil na ang pawis ko)
San-san: paypayan nalang kita.
ANAK NG TOKWA, mas lalo akong pinangkilabutan! kaya pinatigil ko siyang magpaypay dahil nagtirindigan nang mga balahibo ko! Di ko na kaya.
Finally,magdidismiss na si ma’am. Basta raw pag nakuha yung C.O.M. pwede na umalis. Kamalas-malasan ko pa eh bandang hulihan pa ako tinawag. Lumingon ako kay lianne at sumenyas ng number two, means jebs jebs na ako. At kung minamalas nga naman, siya rin pala.
Nag-away pa kami kung kami magbabawas,
Li: sige na , sa dorm na!
Pawis na pawis narin siya, tokwa nasa top floor pa kami, nagmadali talaga kami bumaba. Papalabas na kami nang inabutan naman kami ng mahabang pila sa gate. Nagchecheck kasi ng bag kahit lumalabas ng gate.Shet ang tagal. PALABAS NA EH!
Nung nakalabas naman kami, may grupo ng pharm na freshmen na parang nasa buwan kung mglakad. Di na kaya, kaya overtake agad!Patawid na kami nung may kotse namang dumaan. para pa kaming nagpapatintero ayaw kasi magpadaan.
Hinawakan ako ng mahigpit ni Li at sumigaw siya ng “TEKA! KAMI MUNA!” ramdam na ramdam ko na talaga ang need niyang magbawas. Tumakbo na talaga kami papuntang dorm at yes sa wakas nakarating rin at nakaraos! Buti kami lang yung tao dahil medyo suma-sound effects pa yung pagbabawas namin.
Hindi na sana kami papasok dahil imba feeling talaga mga kaibigan. Namimilipit na kami sa sakit. Tinext ko si Ynah kung masakit rintyan niya at No reply ang gaga kaya pumasok kami medyo late na nga pero buti wala pang prof. Pagdating namin nandun si Ynah, tahimik lang. At ang gaga, natatae narin pala. Kinakarma ata kaming tatlo nang dahil sa mga random topics namin. Di na niya kinaya at dun na siya sa school inabutan kami naman ni Li, chill lang kahit namimilipit na.
Physics. nagulat kami sa prof mukha kasing estudyante. Ayoko na magkwento medyo tuliro pa ako dahil natatae nanaman ako
Pagkabreak ulit, after nun. luh tumae nanaman ako pero nakaabot ako sa dorm!! Sobrang pagmamadali kong mag-cr pagkahubad ko ng mga undergarments ko lahat naishoot ko sa balde yung undies ko at boyleg,buti may dala akong twalya at safe parin dahil nga diba basa na yung mga suot ko. Ay pati pala relo ko nilagay ko sa balde. :))
Tapos balik ng school. madedehydrate na kami ni li9anne dahil tae kami ng taeeh wala pa kaming nakakain simula kaninang umaga. :((
buti maaga nagdismiss prof sa Hum 12
shet talaga tong araw na to.
HAHAHAHA ang damang no, parang hindi babae. =)))
eff na eff. Napagisip-sipan namin tatlo na yung bagay na pinaguusapan at pinagtatawanan namin eh yung karma namin., Una yung ulan at baha ngayon naman yung tae. Kaya bukas, hindi na kami magkukwentuhan.hahahaha badtrip!
Everytime na magpepray kami per subject isa lang ang dinadalangin ko at yun ay huwag muna siyang lumubas. :)) :(( ang sakit ng pwet ko.